Linggo, Agosto 14, 2011

Ako bilang isang Bagay



     

      Ang aking sarili ay maihahalintulad ko sa isang "gulong".Gulong kung saan dun ko nakikita ang aking sarili.Nasabi kong katulad ng gulong ang aking sarili dahil may mga oras na ako'y nasa ibaba,gitna at maging sa ibabaw kahit na ganon ay katulad pa rin ng gulong patuloy pa rin ako sa pag-ikot.
      Katulad ng aking buhay/sarili kapag nasa ibaba hindi maiwasan ang makaramdam ng sakit, kalungkutan at hirap. Samantala, kapag nasa gitna naman ay "sakto" lang yun bang katamtaman lang hindi ka malungkot hindi rin naman masayang-masaya. Higit sa lahat, kapag nasa ibabaw naman ay dito mararanasan ang walang iniisip na mga problema kundi kaligayahan ang siyang nangingibabaw.
       Katulad pa rin ng gulong nalalagyan din ito ng dumi subalit may paraan pa rin dito upang maging malinis muli.Maikukumpara ito sa aking buhay/sarili dahil hindi maiwasan ang makagawa ng kasalanan o pagkakamali. Dahil walang sinuman ang nabubuhay at nilikha sa mundong ito na perpekto. Ngunit may paraan pa rin upang maitama ang pagkakamali.
       Yan ang aking sarili katulad ng gulong!YAN AKO!!!:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento