Linggo, Agosto 14, 2011

Si CRUSH


      Ano ang Crush?
     Crush ang tawag kung may paghanga tayo sa isang tao.Paghanga sa mga talento, kakayahan, at angking  kagandahan at kagwapuhan.Hindi natin makakaila na sa tuwing makikita, makakausap at makakasama ang ating mga crush ay nakakaramdam tayo ng kasiyahan.Tama 'di ba???Kaya normal lang sa atin ang magkaroon ng crush.
       Siya si crush.Ang matagal ko ng hinahangaang aktor mula pa ng bata pa ako. Lagi kong sinusubaybayan ang kanyang mga teleserye.Sinusubaybayan ko dahil ang husay niya sa pag-arte lalo na't katambal pa niya ang isa ring hinahangaan kong aktres na si Kristine Hermosa.Si Jericho Rosales kilala sa pangalang "echo" ang magandang lalaki at napakahusay umarte. 
       Ang husay husay niya kaya nakakakilig. Tuwing pinapanood ko mga teleserye at movie niya super kilig talaga. Ang saya saya kung napapanood ko siya sa telebisyon kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal. Sabagay crush lang naman ehh...Humahanga lang naman:-)"ECHO"....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento